CHERRY’S POV HALOS sampung oras na akong natutulog ngunit inaantok pa rin ako ng magising ako. Ang sabi ni mommy, ganito raw talaga kapag buntis. Kaya naman lagi akong nasa bahay namin. “Cherry! Cherry!” Naririnig ko ang malakas na katok sa pinto ng kuwarto at si Mommy na tumatawag sa akin. Ngunit hindi ako bumangon para buksan. Sigurado naman bubuksan ito ni Mommy gamit ang duplicate na susi ng kuwarto. Nang hindi ko na siya narinig kumatok. Inaasahan kong kinuha niya ang susi. “Cherry!” wika ni Mommy, nang buksan niya ang pinto. “Bakit?” tanong ko. “Bumangon ka na diyan. Kailangan na natin pumunta sa mansyon ng mga De Vera.” “Anong gagawin natin?” “Kailangan mo ng ipaalam kay Marcus na buntis ka para pakasalan ka ulit.” “Mom, hindi maniniwala si Marcus na sa kanya ang bata na

