“PUMUNTA ka pala ng Iloilo pero hindi mo man lang sinabi sa akin. Eh, ‘di sana nakasama ako sa’yo.” Napahinto sa akmang paghakbang ng kaniyang paa para umakyat sa hagdan si Alex nang marinig niya ang sinabing iyon ni Lalang nang magkita sila ng Lunes na iyon. Kunot ang noo na nilingon niya ang best friend ni Charlotte. “Anong sabi mo? Ako? Pumunta ng Iloilo?” huli na niya naisip na baka ang kakambal niya ang tinutukoy nito. “Nakita kaya kita sa page ng The Rhythm. May concert sila noong Saturday sa Iloilo, ‘di ba? Pumunta ka palang bruha ka. Alam mo naman na pareho lang tayong adik na adik do’n, eh. Pero hindi mo man lang ako niyaya.” Ang The Rhythm na tinutukoy ni Lalang ay isa sa pinakasikat na boy band ngayon sa bansa. At base sa sinabi nito, mukhang fan na fan si Charlotte ng ban