WALA man siyang ideya sa pupuntahan niya sa Iloilo, naglakas-loob pa rin si Alex na bumiyahe ng araw ding iyon. Sa airport na siya kumuha ng ticket. Sa kamamadali niya, hindi niya napansin na naiwan niya pala ang cellphone na ipinahiram sa kaniya ni Mrs. Guanzon. Habang sinadya naman niyang iwanan ang cellphone na ibinigay sa kaniya ni James. Ibinilin na lang niya kay Luningning na sakali mang hanapin siya ni James, sabihin nito na umalis na siya. Iyon lang. Dahil mukhang hindi na rin naman mangyayari na hahanapin siya ni James. Kung totoo mang nasa Iloilo ito ngayin, siguradong natuklasan na nito ang panlolokong ginawa niya. Hindi niya alam kung paano. Pero nasisiguro ni Alex na alam na rin ni James kung nasaan ang totoong fiancée nito kaya pinuntahan. Hapon na nang makarating ang dala