CHAPTER 38-BACK TO REALITY

3007 Words

“THANK you for everything,” puno ng sinseridad na wika ni Alex kay Asher kinabukasan. Aalis na kasi ito para bumalik na sa Manila. Sina Nicolas, Makisig, at Chef Aah naman ay nauna nang umalis kagabi nang masiguro rin na ligtas na talaga ang kalagayan niya. “Hinding-hindi kita makakalimutan, Asher. Lalong-lalo na ang lahat ng kabutihang ipinakita mo sa akin habang nandito ako sa Ride and Fall. Kahit ilang araw lang tayong nagkakilala at nagkasama, totoong kaibigan na ang turing ko sa’yo,” matapat sa loob na dagdag pa ni Alex at saka niyakap ang lalaki. “I will miss you.” Tunay na lungkot din ang naramdaman ng puso niya dahil sa paghihiwalay nilang iyon. Kahit nga noong umalis sina Nicolas, Makisig, at Chef Aah kagabi ay parang maiiyak na siya. Sa loob ng ilang araw, nasanay na siya na kas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD