CHAPTER 63

3241 Words

DAHIL napagod na naman si Alex matapos nilang magpakasawa ni Lucas sa loob ng banyo kaya nakatulog na naman silang dalawa pagbalik sa kama. Halos buong hindi na sila nagpahinga. Hindi nga niya alam kung paanong nangyari na hindi man lang napagod o kaya ay nagsawa sa kaniya ang binata. Well, hindi rin naman siya nagsawa kahit pagod na pagod ang katawang lupa niya. At sigurado na si Alex sa kaniyang sarili na kailan man ay hinding-hindi niya pagsasawaan ang lalaking minamahal. Hapon na nang magising siya dahil sobrang napasarap ang tulog niya. Hindi na nga siya nakapaglako o kahit makalabas man lang ng bahay. Paniguradong marami nang naghahanap sa kaniya, hindi lang ang mga suki niya kundi pati na rin ang mga taga-isla. Marahil ay nagtataka na ang mga ito. Sanay kasi ang mga ito na maaga p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD