ANG akala ni Alex ay wala nang hahabol pa sa kanila nang tumumba na rin ang natitirang sasakyan. Pero paglingon niya ay bigla na lang may sumulpot na tatlong big bike. Nakita rin niya na agad humarurot ang mga sasakyan nina Asher, Nicolas, at Tito Liam para agad na sumaklolo. Ngunit lalo siyang nagulat dahil ang tatlong malalaking truck na nakita lang niya kanina na tumatakbo nang normal kaya hindi niya inakalang kapanig din ng mga kalaban ay biglang pinalibutan ang tatlong sports car. “Lucas! Na-trap sina Asher!” pahiyaw na tawag ni Alex sa asawa dahil sa magkahalong takot at pag-alala na nadarama niya, hindi para sa kanila kundi sa kaibigan, pinsan at tito nito. Idagdag pa na patuloy pa rin silang hinahabol ng tatlong big bike at palitan na binubunggo ang kanilang sasakyan. Nagpapaulan

