ISANG BUWAN na rin simula nang may magtangka sa buhay nina Alex at Lucas. Sa awa ng Diyos, wala namang nasaktan sa kanila. Kahit isa man sa pamilya o kaibigan ng kaniyang asawa. Nang araw din na iyon ay nalaman nila na totoo ngang grupo ng Spy Soldiers ang lumusob sa kanila. Kasama ang iba pang sindikato na may galit sa pamilya ni Lucas kaya kumampi sa nasabing grupo. Pero nalaman din nila na hindi ang ama ni Andrew ang may pakana ng paglusob na iyon kahit ito ang pinuno ng Spy Soldiers. Dahil totoo na takot itong kalabanin ang pamilya at mga kaibigan nina Lucas. Ginamit lang daw ng asawa ang pangalan nito para magbigay ng utos sa buong Spy Soldiers para patayin sina Lucas at Alex, na sinamantala naman ng ibanag grupo para pabagsakin ang pamilya ng kaniyang asawa. Pero kahit isa man sa

