LAKING pasalamat ni Alex na may pasok siya kinabukasan. Dahil ibig sabihin niyon ay wala siya sa bahay kapag dumating si Lucas. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya alam kung paano niya ito pakikisamahan sa muli nilang paghaharap. Mas makakaya pa ng dalaga na harapin ang problemang kinakaharap niya ngayon sa pamilya Roxas. Kagabi pa lang ay inihanda na niya ang kaniyang sarili sa posibleng paghaharap nilang muli ni Andrew at ng nanay nitong si Criselda. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Alex kay James nang ipasok nito ang sasakyan sa loob ng campus ng Saint Maddison. “Huwag mong sabihin na sasamahan mo ako sa loob?” she asked again. “Don’t worry, babe. I can handle this.” “Sa tingin mo talaga kaya kitang pabayaan? Na haraapin nang mag-isa ang mga Roxas?” nakakunot ang noo na tanong d