Napatingin si Carmela kay Zyrene. Kanina pa ito tahimik kahit na pauwi na sila. Hindi niya alam kung ano ang inaalala nito. Hindi niya mapigilang mag alala dahil sa sinabi nito sa kanya bago ang bakasyon. Carmela will tell her what’s bothering her. Sa tuwing iniisip niya iyon ay lumalakas ang t***k ng puso niya sa kaba. Kinakabahan siya dahil sa tingin niya ay may kinalaman iyon sa kanya. Hindi kagaya ng una niyang hinala. “Mahal ko?” “Yes?” Tumingin ito sa kanya. Nakasuot na ito ngayon ng isang t-shirt na white at shorts na black. “Masaya ka ba ngayong araw na to?” Gusto niyang malaman dahil mas importante pa rin sa kanya na nag enjoy talaga ito. Nakahinga siya ng maluwag ng tumango ito ng sunod sunod. “I enjoyed the trip we had under the underground river. Yung sa isla