Kabanata 26

1708 Words

SHARLENE MAAGA ako ini-uwi ni Tomas sa bahay. Labis pa rin ang kaba ko dahil sa paghaharap nilang dalawa ni Philip kanina sa aking opisina. Ang akala ko talaga ay mayroong masamang mangyayari, akala ko ay magsusuntukan sila na maaaring humantong sa pagkakasuspinde naming tatlo sa trabaho. Mabuti na lang talaga at napigilan nilang dalawa ang kani-kanilang mga galit sa sarili kaya naman ngayon ay matiwasay kaming makakauwi. Walang kibo si Tomas nang kami ay pauwi na. Diretso lamang ang kanyang mga mata sa daan at tila ba napakalalim ng kanyang iniisip. Maging ako ay wala ring imik. Malalim din naman ang aking iniisip at ngayon ay ang nais ko na lamang gawin ay mahiga at matulog. Napakaraming nangyari ngayong araw na ito at kung iisipin ko ay baka mawalan lamang ako ng tamang huwisyo. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD