SHARLENE HABANG nasa loob pa ng opisina si Philip ay nagulat na lamang ako nang bigla rin pumasok si Tomas sa loob. Para bang naramdaman niya na narito rin si Philip kaya't siya na mismo ang nagpunta dito. "What are you doing here?" tanong niya kay Philip na ngayon ay nakaupo sa tapat ng aking mesa. I am expecting for a fight between them now. Dahil iyon ang makikita sa expression ng bawat isa. "Bakit? Bawal bang puntahan ang babaeng mahal ko?" Sagot ni Philip saka siya tumayo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na naman ang magiging simula ng gulo sa aming tatlo sa loob pa mismo ng opisina ko. Naiinis na lumapit si Tomas sa kanya at halos magkadikit na ang mukha nila sa ginawa niyang pagtitig kay Philip. Kitang kita ko ang galit, kitang kita ko ang inis sa kanyang mga mata nang