SHARLENE PAGBALIK ko ng aking opisina ay uminom ako kaagad ng tubig. Parang walang nangyari. I have a smile in my face while focusing on the screen. Maya maya ay dinukot ko ang cellphone sa bag ko at nahawakan ng kamay ko ang isang papel. Tiningnan ko iyon at doon ko napagtanto na mayroon nga pala akong natanggap na sulat mula sa isang staff kahapon bago ako umuwi. Inisip ko muna kung ano ang aking gagawin. Hawak ko iyon sa loob ng bag ko at dalawang bagay lang ang aking pagpipilian. Ito ay kung babasahin ko na nga ba o mamaya na lang. Nagdadalawang isip pa rin ako hanggang sa inilabas ko na lang iyon sa bag at tinitigan. Walang nakasulat sa labas ng envelope. Wala akong ideya kung kanino iyon nanggaling. Mula sa information department ang staff na nag-abot niyon sa akin kaya't mad