SHARLENE KINAUMAGAHAN ay maaga kaming pumasok sa opisina. Hindi ko alam kung bakit lagi akong excited sa work kapag kasama ko si Tomas. Kakaiba iyong hatid niyang ligaya sa akin sa araw-araw kaya naman inspired na inspired din akong pumasok. So now, habang ako ay nasa aking opisina ay hindi ko namalayan ang oras. Patuloy lang ako sa aking pagtatrabaho hanggang sa naisipan kong puntahan si Tomas sa kanyang sariling office. Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang bigla akong pumasok sa kanyang opisina. Tyempo namang wala ang kanyang staff at nag-iisa lamang siya sa loob. "What brought you here?" he asked. "Nothing. I just want to see you, daddy." Pilyo kong wika saka ako naglakad palapit sa kanya. Napasandal siya sa kanyang upuan at mariin akong tiningnan mula sa aking kinatatayuan.