MAY ngiting gumihit sa mga labi ni Shalee ng abutan siya ni Baste ng paborito nilang ice cream. Kasalukuyan silang nasa garden ng family house nito at nagpapahangin. Katatapos lang lunch nila kasama ang buong pamilya nito. Inaya siya nito kagabi na sabay silang dumalaw sa family house. Wala siyang pasok nung araw na iyon kaya pumayag siya agad at isa pa gusto niya din maka-bonding ang pamilya nito. Napuno ng asaran at madaming kwentuhan ang hapag kainan nila Baste dahil sa kanya. Bukas family dinner naman nila ang haharapin niya at kinakabahan na siya ngayon palang. Ang daming tanong sa isipan niya at hindi niya alam kung masasagot ba iyon lahat bukas. Paano kung gaya ng mama niya ay umiwas din ang daddy niya na sagutin iyon? She keep on praying since she decided to talk to her father. S

