UMATRAS, iyon ang gustong gawin ni Shalee kanina pa kahit nakatayo na siya sa malawak na garahe ng Licauco residence. Tatalikod na dapat siya ngunit bigla na lang naramdaman ang pag-akbay sa kanya ng mama niya. Hinayon niya ang tingin dito at iyong ngiti sa mga labi nito ang kahit pa-paano'y kumalma sa kanya. Ilang ulit siya tinanong nito kung handa na ba siya kausapin ang daddy niya at nag-oo naman siya. Off naman kung ngayon pa siya aatras at tingin niya mukhang pinaghandaan iyon ng daddy niya. Halata naman dahil muntikan nang maging bahay niya ang mansion na napapalibutan ng paborito niyang kulay. Kahel at rosas, iyon ang kulay ng mga kurtina nung pumasok na sila. May mga fresh flowers din na paborito niya at kilala na niya kung sino nagsabi noon. Wala siyang makita ni isang bakas ng m

