NAGMAMADALING bumaba si Baste sa sasakyan niya nang maihimpil iyon sa malawak na carpark ng police station na kinaroroonan ngayon ni Shalee. Kagagaling lang niya sa court trial kasama si Rina nang makatanggap ng tawag galing sa mga pulis. Hindi na niya masyadong naintindihan ang sinasabi ng pulis sa kabilang linya dahil napuno na ng pag-aalala ang kanyang dibdib nang mabanggit ang pangalan ng dalaga. Malalaki ang bawat hakbang niya at hindi na pinapansin ang mga bumabati sa kanyang imbestigador sa nasabing police station. On his way to the crime division, he bump into Police Detective Ruan Moldez. Binati siya nito at gano'n din naman siya dito. “Attorney, may kliyente ka dito?” tanong ni Ruan sa kanya. Hindi siya agad nakasagot dahil mas iniuna niyang igala ang tingin niya sa paligid. “

