NAHILOT ni Baste ang magkabila niyang sentido nang maramdamang kumirot iyon bigla. He still have a hangover. Kaya naman sa condo unit na siya dumiretso pagkagaling sa korte para makapagpahinga. Madami siyang nainom ngunit mas nauna pa din tumumba kagabi si Engr. Ortega at tinotoo nito ang pustahan nila. Talagang nilibre nito buong DLL Firm maging ang OCG ng three course meals na buong akala niya hindi na mangyayari. Sumabay pa sa kirot ng sentido niya ang hapdi ng sugat sa gilid ng kilay at labi niya. Napa-away sila ni Engr. Ortega nung iwan sila sandali ni Mateo at nung kasama nitong isa ding engineer sa bar na pinag-inuman nila. Nang bumukas ang elevator si Shalee agad ang nakita kaya mabilis niyang tinago ang mukha dito. Tuloy tuloy siyang lumakad papunta sa unit niya at akma sanang

