Malawak ang ngiti na pinagmamasdan ni Euri ang kanyang mag-ama na halatang nag-eenjoy sa pagliligo sa dagat. Maririnig sa buong lugar ang cute na tawa ng anak at ang halakhak ni Jacob na halatang masayang-masaya sa pagdating ng kanilang anak na si Jack. Nasa balikat ito ng ama na kasalukuyang nasa tubig na hanggang balikat nito ang lalim. At sa tuwing aalon ay doon napupuno ng tawanan ang buong lugar dahil tuwang-tuwa ang anak sa alon na humahampas sa kanila. Napakagandang pagmasdan at wala na syang mahihiling pang iba. Kanina, pilit syang isinasama ng anak para maligo pero tumanggi sya dahil sa kakaibang ngiti sa labi ni Jacob. Parang may iba yong kahulugan at alam na nya yon dahil sa tuwing naliligo sila sa dagat ay hindi rin sumasablay ang binata sa pag-angkin sa kanya. Sa tubig man o

