"Dad, pwede po ba ako mag-swim sa dagat?" "Dad!?" wika ng anak na nasa harap nya na kumakain ng cookies na idini-dip nito sa gatas. "Hmm?.." maang na wika nya dahil sa hindi nya narinig ang sinabi nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala na may anak na sila ni Euri. At ngayon nga ay nasa harap nya na replica nya noong bata pa sya. Parang pinapanood nya lang ang sarili noong maliit pa sya. He really looks like him kaya hindi na maipagtatanong kung kaninong anak ito. "You're not listening naman po eh.." nakangusong wika nito na ikinangiti nya because he finds it cute. Ngayon nya lang napatunayan na cute pala sya noong bata pa sya. Hindi lang basta cute... gwapong cute. Hindi sa nagbubuhat sya ng sariling bangko dahil may katotohanan ang sinabi nya. "Sorry, son. Hind

