"Anak, masaya ka ba doon kila Tita Francine mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa jeep kami para ihatid ko siya sa bahay nila Francine. Nag - aalok si Franco na susunduin kami pero tumanggi na ako dahil sa sobra sobrang kabaitan na ang pinapakita nilang magkapatid sa akin. "Opo, Mommy. Lagi kaming naglalaro ni Yana." Sagot niya sa akin at tumango na lang ako. Nang unang araw na dinala ko si Erwan dito ay nailang pa ako dahil sa ibang tao na talaga ang mag - aalaga kay Erwan pero ng naging masaya naman ang anak ko ay nagpatuloy tuloy na ako sa pagpapaalaga kay Erwan. Naka isang linggo na rin ako sa kompanya ni Franco at wala naman akong naging problema. Mas naging magaan na ang loob ko kay Franco matapos ang pagpunta namin sa Batangas. May iilan na rin akong naayos na ilang papeles pero h