"Nasaan ka? Makipagkita ka sa akin." Text sa akin ni Ace habang nasa isang restaurant kami nila Geoffrey. Nawala sa isip ko na kasama ko si Geoffrey dahil sa mga biglaang pagtetext sa akin ni Ace. Patago ko na binabasa ang mga text niya dahil alam naman ni Geoffrey na bago lang ang cellphone number ko kaya wala ako masyadong nakakatext. "Nandito ako sa Session Road, magkita tayo, Yna." Sunod niyang text sa akin. Itinago ko na agad ang cellphone ko at ayoko siyang bigyan ng pansin. Kahit ang dahilan para malaman niya na nandito ako ay hindi ko na inisip. Ang ayoko lang ay ang magpunta siya kung nasaan ako. Hindi na ako mapakali habang nasa restaurant kami dahil baka bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. Kanina ko lang naman sinabi kay Ace na nasa Baguio kami tapos ay nakarating n