Napag - desisyunan kong huwag na muna iwanan sa kahit na sino si Erwan at dito na lang ako sa bahay magtatrabaho, matapos ang nakita kong ginawa ng magkapatid. Ayaw na rin ng anak ko na iniiwan ko siya kung kani - kanino kaya anak ko ang susundin ko. Pagkalabas ni Geoffrey, buhat niya si Erwan at tulog pa kaya binuksan ko na agad ang sasakyan para maipasok si Erwan. Sunod na isinakay ay ang mga pagkain namin at iba pang gamit. Pinahiram na rin muna kami ni Franco ng sasakyan. Ipinakuha lang ni Franco ang sasakyan niya kay Geoffrey kaya hindi ko na nalaman kung ano ang nangyari kay Francine. Pinunasan ko na muna ang pawis ni Geoffrey at binigyan siya ng tubig. Pagkatapos ay nilagyan ko naman ng unan si Erwan sa likod at tinakpan rin siya ng jacket para hindu siya lamigin mamaya sa byahe.