Umuwi na muna ako sa bahay dahil na rin sa utos ni Geoffrey na huwag akong magbantay dahil sa pagbubuntis ko. Nakatulog agad ako pagkatapos kong magkilinis ng katawan. Isinara ko na ang buong bahay dahil wala naman akong kasama. Nanghihina na ako pero kailangan ko pa ring maghanap ng taong makakatulong sa anak ko. "Kamusta dyan? Kumain na ba si Erwan?" Tanong ko kay Geoffrey at naisip kong tawagan siya bago ako mahiga. Hindi ko kayang magpahinga hanggat alam kong hindi gumagaling ang anak ko. "Oo, isang pirasong mansanas lang muna pinakain ko at nakainom na rin siya ng gamot. Magpahinga ka na at kami na muna ni Mama ang magbabantay kay Erwan." Sagot sa akin ni Geoffrey at binaba na agad ang tawag. Inilabas ko na lang ang laptop ko at naisip kong tawagan si Hanna. Sa kanya lang naman