Umaga pa lang ay nagising na kami at nagtataka pa si Erwan dahil maaga namin siyang ginising. Hindi niya kasi alam na pupunta uli kami ngayon sa hospital. Hirap na hirap pa siyang bumangon pero pinilit na lang namin siya lalo at importanteng lakad naman ang gagawin namin. Pumupungay pa ang kanyang mga mata habang nasa sasakyan kami at pagdating sa hospital, may ilang test muna ang ginawa kay Erwan bago ginawa ang pagsasalin ng dugo sa kanya. Mabilis lang ang ginawang paglilipat ng dugo kay Erwan. Nasa dextrose lang ang idodonate sa kanyang dugo at unti unti lang ang ginawang pagsasalin sa kanya. Humingi na sila ulit ng permiso sa akin at pumayag na ako. "Mommy, akala ko, okay na ako?" Tanong niya sa akin habang nakahiga at nakatingin sa dugong isinasalin sa kanya. Hinawakan ko ang ka