Mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Ilang beses akong inalo ni Kuya Troy pero sobrang nagsisisi ako sa nangyari. Ngayon ko na-realize ang consequences ng ginawa ko kagabi. Dapat, hindi ako nakinig kay Ate Annika. Kahit mahal na mahal ko si Kuya Troy, ayaw ko naman siyang ikulong sa isang responsibilidad na hindi naman dapat niyang panagutan. Kinakain ako ng konsensiya habang nakatingin ako sa kanya na nakatiim-bagang. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya ngunit pansin ko naman ang galit na nadarama niya. Hindi dapat ako sumunod sa gusto ng Ate ko para gamitin ako na makawala siya sa relasyon nila ni Kuya Troy. Hindi dapat ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin dahil mukhang hindi ako magiging masaya sa ginawa namin ni Ate. Habangbuhay itong dadalhin ng aking konsensya kahit pa ginawa

