Hinintay ko ang go signal ni Ate Annika kahit sobrang dinadaga sa kaba ang dibdib ko. Nanatili ako sa kanyang sasakyan kasama ang driver namin habang nakatingin ako sa labas ng bar na tagpuan nila ni Kuya Troy. Sabi niya saglit lang sila sa loob. Lalasingin niya si Kuya Troy saka sila pupunta sa hotel na madalas pagdalhan sa kanya ng lalaki kapag sila ay nagtatalik. Medyo nakadama ako ng sakit sa dibdib ko nang sabihin niya sa akin 'to. Nakakapagselos pero kasi hindi ko 'to dapat maramdaman dahil siya naman ang original na girlfriend. Mga ilang minuto lang ay nakita ko na silang lumabas ng bar. Nakayakap si Ate Annika sa baywang ni Kuya Troy habang si Kuya Troy ay nakaakbay sa kanya at mukhang naghahalikan pa sila. That scenery makes my heart hurt more. Mukhang sabik na sabik si Kuya T

