Hawak ko ang cellphone ko ay nag-type ako ng mensahe kay Drake. I know he's hurting right now to see those pictures that I uploaded on my social media account. Wala akong magagawa para ibsan ang nararamdaman niya because I already told him that he has no chance on me. Matagal ko na 'tong paulit-ulit na sinasabi pero siya itong ayaw mag-move on, siya itong ayaw ibaling sa iba ang kanyang nararamdaman. Yes…nagkabalikan na kami. Please…try to understand me. Alam mong gusto ko ring maayos ang pamilya ko lalo na at lumalaki ang kambal. Move on ka na sa akin, Drake. Paulit-ulit ko naman na sinasabi sa iyo na you deserve better. Nasa tabi-tabi lang siya at naghihintay sa iyo. Naghintay ako ng reply ni Drake sa text ko pero nakalipas na ang isang minuto ay wala pa rin siyang reply. Sinubukan ko

