"Ynnah…'' "Oh?" Nilingon ko si Troy na nakataas ang kilay. Nakahawak na ako sa gate ng bahay ng mga magulang ko at handa na sanang pumasok nang tawagin niya ako. May nakalimutan pa ba siyang sabihin? "Ayos lang ba sa iyo kung daanan ko kayo bukas ng kambal, pasyal tayo sa Eco park. Mag-picnic tayo, family bonding ba," wika niya na nakangiti. Ngumiti ako pabalik. Wow! Buti naman at naisip niya kaming ilabas bukas. Malimit kasi na sa bahay lang ng mga magulang ko sila mag-bonding na mag-aama. Naiintindihan ko na busy siya trabaho dahil maraming responsibilidad na nakaatang sa kanya. Kaya nakapagtataka na nakapag-leave siya ng ilang araw at ipinasyal ako sa isla. Hindi siya basta-basta pwede na lumiban sa pagpasok sa opisina lalo na at marami siyang trabaho.Panay na nga ang hinaing niya na

