Mapait na napangiti ako sa kawalan nang sumunod ako kay Ynnah papasok ng bahay nila. Wala na talaga akong pag-asa kahit ano'ng gawin ko para mapasaakin ang atensyon at pagmamahal niya. Nabawi na naman ng lalaking iyon ng walang kahirap-hirap ang pagmamahal ni Ynnah. Sabagay, 'di naman nawala ang pagmamahal ni Ynnah sa kanya. Kung nawala bakit hanggang ngayon ay si Troy pa rin? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong pag-asa? Nakakalungkot man isipin pero never na mababaling sa akin ang atensyon niya. Tanggap ko na ito noon pero ngayon, gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya kahit ayaw niya at kahit may masaktan akong tao. Nagpakahirap ako na matuon sa akin ang atensyon niya. Ako ang nag-effort na mabalik ang sigla niya na inalis ni Troy sa kanya. Ako ang karamay niya noong mg

