Namasyal nga kami kinabukasan nina Troy at ng mga bata. Masayang-masaya ako dahil sa wakas natupad ang isa sa gusto kong mangyari. Ang lumabas kami ng magkakasama at magtungo sa isang lugar na makakapag-relax kaming dalawa at magkakapag-usap. Eco Park is indeed a nice place to sit with and relax. Masarap ang simoy ng hangin at amoy ko sa hangin ang pine trees. Para na rin akong pumunta ng Baguio City kung tutuusin dahil sa maraming pine trees na nakatanim dito. Ito ang nasa bungad bago marating malawak na dagat. Dito sa may mga pine trees kami nag-stay ni Troy. Naglatag siya ng banig para higaan ng kambal at nagtali rin siya ng duyan. Napakatahimik ng lugar walang gaanong tao ang namamasyal kaya ang sarap magmuni-muni. Sabagay weekdays, may pasok sa eskwelahan at trabaho ang karamihan ka

