"What do you want? Ang tapang ng apog mong makipagkita sa akin! Ano? Worried na maagaw ko si Ynnah sa iyo?" wika ni Drake sa gigil na tono. Nakasandal siya sa hood ng kotse sa akin at masama ang tingin na tinatapon niya sa akin. Sumulyap ako sa medyo payapang hampas ng alon sa may batuhan para alisin ang inis na bumabangon sa aking dibdib. Sinasabi ko na nga ba, mali ang ideya na makipagkita ako sa lalaking ito. Ang ganda ng view ng dagat, ang sarap maligo lalo na at medyo makulimlim. Dito sa tabing-dagat ko siya naaya na mag-usap. Bukod sa konti ang tao ay hindi pa kami nakakagawa ng eksena. Akala ko nga hindi siya makikipagkita sa akin dahil hindi siya nag-reply sa message ko ngunit heto siya at nakipagkita sa akin. Kay Ynnah ko nakuha ang number niya. Pinakialaman ko ang cellphone

