"Ano'ng sabi nina Daddy at Mommy, Ynnah? Hindi ba sila nagalit sa bigla mong paglipat dito sa bahay natin?" tanong sa akin ni Troy habang naglalakad kami papasok ng bahay niya. Kasunod namin ang mga boy niya rito sa bahay niya at buhat-buhat ang mga gamit namin ng kambal. "Hindi naman, nag-usap naman na raw kayo noong nakaraan at pumayag naman sila." Naupo kami sa sala at binigay sa kani-kaniyang yaya ang kambal naming anak na kasunod din naming pumasok ng bahay. "I thought nagagalit sila or may tampo sa akin dahil mawawalay sa kanila ang kanilang mga apo," wika ni Troy na naupo sa tabi ko nang maibigay niya si Hannah sa yaya nito. Bumaling muna ako sa mga matatandang babae bago ko muling kinausap si Troy. "Mga ate, padedehen niyo na muna sila at patuligin sa nursery. Saka na kayo bum

