Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob sa salas at naghihintay ng balita mula sa mga pulis. Alam kong wala pang twenty-four hours na nawawala si Ynnah ngunit dahil sa koneksyon ng mga tito ko sa PNP ay nagawan ng paraan para makapagpa-blotter ako. Walang nakakita kung sino ang kumuha kay Ynnah sa mall kung saan ay namili sila ni Manang ng groceries. Ang CCTV sa mall ay hindi kita ang lahat ng lugar sa loob ng mall kaya hindi namin alam kung sino ang kumuha kay Ynnah. Nakarinig pa sa akin ng mura ang management ng mall dahil bakit hindi nilagyan ng CCTV sa ilang area kung saan importante na makita rin ito sa CCTV. Sa restroom nagpunta si Ynnah nang magpaalam ito saglit kay Manang. Tapos sa exit area naman may CCTV nga roon pero malayo naman ang kuha dahil luma na ito at malabo pa. Iyak

