Inis na itinulak ko si Troy habang pinupunasan ang aking labi. Umurong ang mga luhang namamalisbis sa aking pisngi dahil sa inis na nadarama ko sa kanya. "I hate you!" gigil kong sigaw habang nagmamartsa palabas ng gate ng bahay niya. Shit siya! Naisahan ako ng gagong lalaking 'yon! He uses my weakness to get near me. He uses it to prove something! Ako naman itong si gaga uto-uto na nga tatanga-tanga pa! Iyong pag-aalala ko sa kanya dahil sa dumudugo niyang noo na gawa ng paghampas ko sa kanya ng bag ay napalitan ng galit. Nakakainis siya! Nag-iinarte lang pala ang bwisit na lalaking 'to! Pansin ko na maliit lang ang sugat niya sa noo at mukhang nagalusan lang ito roon or what kaya umaagos ang dugo. Naging overacting lang ang drama ng loko dahil marahil iniisip niya na madadala niya

