Mugto ang mga mata ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Kinurap-kurap ko pa ito at halos bumalik ako sa pagpikit nang masilaw ako sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa napakagarang chandelier. Chandelier??? Sigaw ko sa aking isip na nagtataka. Kaagad akong nagmulat ng aking mga mata nang maisip kong wala ako sa kwarto ko sa bahay ng mga magulang ko. Natilihan ako nang maisip kong narito ako sa bahay ng demonyong lalaking 'yon! Shete! Ano'ng oras na? Natatarantang bulong ko sa aking sarili. Napatingin ako sa suot kong relo na pambisig. Kaagad kong sinipat ang oras at halos gusto kong magmaktol nang makita kong alas-diyes na ng gabi! Lagot na! Kanina pa marahil nag-aalala sina Drake at ang mga magulang ko. Ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi pa nila ako pinupuntahan dito? Iisa lang an

