3rd Person's POV;
"May nagawa nanaman ba akong hindi maganda?"walang buhay na tanong ng binatang si Aidan habang nakaupo sa tabi ng batang sculpture at nakayuko.
"Bukod sa nakipagbugbugan ka sa mga kapatid mo sa ospital,nakapatay ng tatlong doctor at apat na nurse,muntikan mo na din akong mapatay bukod sa mga yan wala na"sagot ng dalaga ng makababa ito sa huling baitang ng hagdan at tingnan ang binata na nasa sulok.
"Bakit ka pa andito?...hindi ka ba natatakot na maulit ulit yun."tanong ng lalaki habang nakasubsob sa pagitan ng mga tuhod.
"Bakit ako matatakot?minamaliit mo ba ang kakayahan ko kupal?"balik na tanong ng dalaga bago naglakad palapit sa binata na kinatigil nito ng makitang parang naninigas sa kinauupuan ang binata.
"Hindi ko iniexpect na ganyan kaduwag ang isang dating military Navy s***h isa sa mga members ng international special forces."komento ni Madison.
"Alam mo ba naalala ko sayo ang mommy ko."out of the blue na sambit ng binata na kinakunot ng noo ng dalaga.
"Mukhang hindi talaga maganda ang experience mo sa mommy mo ano bang nangyari sakanya?"tanong ng dalaga.
"Okay wag mo ng sagutin."agad na bawi ni Madison ng ilang minutong hindi sunagot ang binata ng---.
"Mahilig sa pula ang mommy ko,pula na dress,pula na hikaw,pula na lipstick at...pula na heels."ani ni Aidan na kinatahimik ni Madison.
"Mabait ang mama ko she's near to be a perfect mother for me lagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako...hanggang sa isang araw may dumating na lalaki dito...which is my dad saktong birthday ko nun."dagdag ni Aidan na kinalambot ng ekspresyon ng dalaga ng makitang nanginginig ang katawan ng binata.
"Pagkatapos nilang mag usap ng mom ko kitang kita ko kung pano maiyak nun ni mama after nun hindi na lumabas ng kwarto si mama...hanggang sa isang araw nagising na lang ako kinakadena ako ni mama sa basement ng bahay namin kitang kita ko ang takot at lungkot sa ekspresyon niya ng magising ako."dagdag ng binata.
"Aidan."bulong ni Madison ng marinig na pagak na tumawa ang binata bago umayos na upo at tingnan ang nag aalalang mukha ng dalaga.
"Nakaramdam ako ng takot nun kay mom dahil kasabay nun ilang beses na din niya ako tinangkang patayin yung pakiramdam na pinoprotektahan mo ang sari mo sa sarili mong ina nakakatangina haha."ani ng binata bago sabunutan ang sarili.
"Lagi niyang sinasabi sakin samahan ko siya, sumama ako sakanya,hanggang sa isang araw...sa mismong birthday ko."bulong ng binata bago lumingon sa pinto na nasa likuran ni Madison.
"Nakita ko...kitang kita ko kung pano niya hubarin ang pulang heels niya at umakyat sa upuan a---."
"T-Tama na."naputol ang sasabihin ng binata ng walang kaano anong yakapin siya ng dalagang si Madison.
"T-Tama n-na."bulong ng dalaga habang nakaluhod sa harapan niya at nakasubsob sa bandang dibdib ni Aidan.
"L-Lahat naman ng tao may kinakatakutan Aidan katulad ko takot akong masugatan kasi masakit...hindi ako takot mamatay pero takot akong masaktan at masugatan."mahinang bulong ng dalaga ba kinatawa ng mahina ng binata bago sumubsob sa gilid ng leeg ni Madison at yakapin pabalik.
"Kung ganyan lang siguro ako kababaw mag isip siguro wala na akong kinakatakutan ngayon."bulong ng binata na kinatingin ni Madison.
"Saan ka na natatakot?sa kamatayan ba?"tanong ni Madison na hindi kinaimik ng binata.
"Lahat ng tao darating naman diyan."ani ng dalaga bago umiwas ng tingin.
"Ang pinagkaiba lang kung sa panong paraan mo iingatan at patatakbuhin ang buhay na binigay sayo habang hindi ka pa dumarating sa huling hantungan mo."dagdag ng dalaga na kinatingin ni Aidan.
"Hindi kinakatakutan ang kamatayan hinaharap yan."ani ng dalaga bago natatawang hinarap ni Madison ang binata.
"Hindi ko iniexpect na ang katulad mo takot sa kamatayan."komento ng dalaga na kinaismid ng binata.
---
Matapos ang dramahan session ni Aidan at Madison pumunta na sila sa ospital kung saan sinasabing nakaconfine sina Luther at Harmony.
"Ang tahimik masyado."bulong ni Aidan habang papalapit sa kwarto kung nasaan ang kapatid.
"Luther gumising ka please!"umiiyak na sambit ni Harmony ng buksan nina Aidan ang pinto.
"Harmony!"sigaw ni Madison ng makita ang pagpalahaw ng iyak ng kapatid habang yakap ang binatang si Luther.
"K-Kuya sina Khairo."naiiyak na sambit ni Denise na kinapako ng binata sa kinatatayuan ng marinig ang nakakabinging tunog ng heart monitor.
"H-Hindi na namin alam ang gagawin kuya ayaw papigil nina Trigger."sumbong naman ni Levi na kinamura ng binata.
"Damn it."nanggigigil na mura ni Aidan bago mabibigat ang paang lumabas ng kwarto ng---.
"Aidan!"sigaw ni Madison bago hilahin ang binata paharap.
"Anong binabalak mo?"nag aalalang tanong ni Madison na---.
"Uubusin ko ang lahi ng mga putanginang pumatay sa kapatid ko."nagdidilim ang anyong sagot ng binata n---.
"f**k!"mura ng binata ng suntukin siya mukha ng dalaga na dahilan para mapaupo ito sa sahig habang hawak ang panga.
"Gumising ka gago!alam mo ba ang mangyayari pag lahat kayong mga Aragon lumabas!"bulyaw ng dalaga na kinatigil ni Aidan.
"Malaking gulo Aidan hindi lang organization ng papa mo ang mabubulabog pati ang gobyerno!"sigaw ng dalaga bago kwelyuhan ang binata na napatigil sandali.
"Walang kinikilala ngayon ang mga kapatid mo kailangan ka nila please lang Aidan wag kang duwag."naiinis na bulong ng dalaga na---.
"Pre!"napatingin ang dalawa sa dulo ng hallway ng lakad takbong lumapit ang binatang si Mason.
Nagsalute muna ito sa binata bago nagsalita.
"Nagkakagulo ngayon sa labasan Sgnt. At naglapag ng order si Coronel ng shoot to kill para sa mga Aragon na nanggugulo pero tangina dre hindi ako sa mga kapatid mo nag aalala."ani ng binata ng makita ng tumayo si Aidan.
"Madaming civillian ang nadadamay at ang mga kasamahan mismo natin ang nakakapatay."dagdag ni Mason na kinayukom ng kamao ng binata.
---
"Akala ko ba ayaw mong makisali sa gulo!bakit mo binigyan ng mga kargada sina Hector!"bulyaw ni Aidan sa nakakatandang kapatid na pretenteng nakaupo sa pang isahang sofa habang umiinom ng wine.
"Anong gusto mong gawin ko panuorin ko silang ubusin ni papa?"walang buhay na tanong ni King bago tingnan nanggagalaiting kapatid.
"Alam mo ba ang nangyayari ngayon sa labasan?nagkakagulo ang lahat dahil sa mga katarantaduhang ginagawa nina Hec---."
"Pinatay ng mga hayop na yun ang kapatid natin Daimos, dont tell me concern ka sa mga hayop na yun."madilim ang anyong putol ni King sa kapatid na kinayukom ng kamao ng binata.
"Sa mga civillian ako concern King alam kong sagad sa buto ang mga kademonyohan niyo pero tangina wag kayong mga mandamay!alam mo ba kung ilang libong civillian ang nadamay sa pinagagawa nina Hector ha?!wala na kayo sa luga---"
"Sa mundong ito Daimos walang lugar ang mahihina."walang emosyong putol ni King bago tumayo at naglakad paalis.