15

608 Words
3rd Person's POV; "Nagwoworry na talaga ako ilang araw na siyang ganito."nag aalalang komento ni Levi habang chinicheck ang vital signs ni Daimos. "Madison ikaw na muna bahala kay Kuya."ani ni Trigger na kinatingin ni Levi. "Dont tell me iiwan niyong ganitong kalagayan ang kapat---." "Levi hindi safe na sama sama kami palagi alam niyo yan."putol ni Trigger na kinatahimik ni Levi. "Baka matunugan tayo ng mga tauhan ni Papa kung pagpapatuloy natin ang ganit---." "Trigger!"napatingin ang tatlo sa pinto ng bumukas yun at humahangos na pumasok si Jedal at Khairo. "Trigger!Si Kuya Luther at Harmony nasa ospital!"bungad nina Khairo na kinatayo nina Trigger at Levi. "A-Anong nangyari sa kapatid ko?"nag aalalang tanong ni Madison na kinayukom ng kamao ni Jedal. "May konting sugat si Harmony pero si Luther critical ang kondisyon niya."sagot ni Jedal na kinamura ni Trigger. --- "Kupal ano ba kasing nangyayari sayo?kailangan ka ng mga kapatid mo ngayon."bulong ni Madison bago hawakan ang kamay ng binatang si Aidan ng mukhang nanaginip nanaman ng masama. "M-Mama n-natatakot ako."bulong ni Aidan habang nakapikit na kinatigil ni Madison. "T-Takot na takot ako mama."takot na takot na sambit ni Aidan. "Aidan."bulong ng dalaga bago punasan ang mga luhang lumabas sa mga mata ng binata. --- "Hanggang ngayon Young Master malaking palaisipan pa din sakin bakit hinayaan niyong umalis ang mga kapatid niyo dito."ani ng binatang si Claud habang nakatingin sa binatang gumagawa ng card castle. "Ano bang pinupunto mo Claud?"balik na tanong ng binata na kinakamot sa pisngi ng lalaki. "Base kasi sa nakalap ko mga info may kanya kanya ng buhay ang mga kapatid mo sa labas at malaki ang posibilidad na hindi na sila sumunod sa plano...napaghandaan niyo na din ba yun young mas---." "Pag pupunta ka ng France Claude sumakay ka man ng barko at eroplano france pa din ang lalapagan mo ganun din ang tadhanang meron kami."putol ng binata sa lalaki na kinatigil nito. "Kahit anong pagkakakilala ng iba sakanila hindi mababago ang katotohanan na isa pa din silang Aragon...at may mga tungkulin silang gampanan hindi lang para lipunan kundi para sa buong mundo"dagdag ni L bago nakangising ilapag ang Ace of Spade sa sahig. "Ang pag alis nila dito ay isa lang sa mga paghahanda ko sakanila para sa dadating na laban."ani ng binata bago nakataas ang gilid ng labing kumagat sa hawak nitong cupcake. --- "Aidan."ani ng dalaga ng magising siyang wala na sa kwarto ang lalaki. "s**t nakatulog ako."mura ng dalaga bago tumakbo palabas. "Aidan!"sigaw ng dalaga bago isa isang buksan ang pintuan ng kwarto. "Aidan nasa---."naputol ang sasabihin ng dalaga ng makitang sa dulo ng hallway bukas ang pinto papunta ng basement ng penthouse ng binata. "Aidan."bulong ng dalaga bago maglakad palapit sa pinto ng basement. 'Papa may asawa po ba si Lord Aragon?bakit po ang dami niyang anak?' 'Sina Young Master L iba iba ang ina nila tapos sina Young Master Alpha nga ampon lang' 'Diba po sina Young Master L ang tunay niyang mga anak i mean po iba iba ina nila pero kadugo pa din nila sina Young Master L bakit sina Young Master Alpha ang pinakilala niyang mga anak.' 'Binuhay lang naman kasi sila para gamitin lang ni Lord Aragon para gumaya sakanya.' 'Hansel ano bang sinasab---." 'Totoo naman papa diba?hindi na ako bata pa hindi ko na masikmura ang mga nakikita kong ginagawa ni Lord Aragon.' 'At sinasabi ko sayo papa yang mga batang hinuhulma niya para maging kasing demonyo niya sinasabi ko sayo sila sila din ang papatay sa taong gumawa sakanila.' "Habang mas tumatagal na mas nakikilala ko siya hindi ko maiwasang mag alala at maawa."bulong ng dalaga habang naglalakad pababa ng basement.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD