11

813 Words
3rd Person's POV; "Aray!tangina mong babae ka masakit!"bulyaw ng dalaga na kinaputla ng nurse at halos mawalan na ito ng kulay ng muntikan ng mahagip ang ulo niya ng hawak nitong palakol. "Ate anong ginagawa mo dito?"napaangat ng tingin ang dalaga ng makita ang kapatid na katabi ng isa sa mga Aragon. "Harmony."ani ng babae bago lapitan ang kapatid at yakapin. "Yung kapatid kasi ng mga gagong yan kinidnap ako."sumbong nito sa babae na kinatingin ni Harmony sa katabing binata. "Oy wag mo akong tingnan ng ganyan wala akong alam."sagot ng binatang si Luther ng tingnan naman nito ang mga dalawang binata sa likuran niya nagkibit balikat lang ang mga ito. "Nakidnap ka?buti ate buo pa ulo ni Kuya Daimos."sagot ni Harmony na kinangiwi ng dalagang si Madison. "Sabagay kahit ako nasa katayuan mo kung ganyan din naman kagwapo ang mangingidnap sakin hindi ako papal---aray!"reklamo ng dalaga ng mahina siyang batukan ng binatang si Luther bago tumalikod. "Oy pogi ka din naman!"sigaw ng dalagang si Harmony ng makitang lumapit ito sa mga kapatid na nagtatawanan. "Anong ginagawa mo dito alam ba ito ng empres---." "Alam niya ate at tiyaka hinayaan niya na din ako makasama si Luther."sagot ni Harmony na tila sobrang saya nito habang nakatingin sa binatang ngayon ay gusot ang mukhang nakatingin sa mga kapatid. "Alam mo na ding mga Aragon ang---." "Una palang ate alam ko na."nakangiting sambit ng babae bago yakapin ang kapatid. "Nakita na natin ulit sila."sagot nito na kinangiti ng dalagang si Madison bago haplusin ang buhok ng kapatid. "Ikaw ate anong ginagawa mo dito?sabi mo kinidnap ka?"tanong ng dalaga bago tingnan ang kapatid na puro galos. "Sinong gumawa nito sina kuya ba?"nagaalalang tanong ng dalaga na kinailing ng babae. "Hinahabol kami ni Aidan ng mga Aragon na hindi ko alam kung sino ang target saming dalawa."sagot ng babae bago itaas baba ang braso nito na kinangiwi nito ng kumirot. "Hindi nakakapagtakang pati tayo hinahunting na dahil sa pagbangga natin sa mga kanegosasyon nila."sagot ng dalagang si Harmony bago tingnan ang braso ng kapatid. "Nakakapagtakang andito ka sa syudad ate akala ko ba ayaw mo sa ganitong lugar anong ginagawa mo dito?"tanong ni Harmony na kinatigil ng dalaga. "Hinahanap ko si Allison."sagot ng dalaga na kinawalan ng kulay ng mukha ng dalagang si Harmony. "A-Ano s-si ate A-Allison?"tanong ng babae na kinakunot ng noo ni Madison. "Bakit ka namumutla Harmony?"tanong ng dalaga. --- "M-Mom."bulong ng batang nasa anim na taong gulang habang nakaupo sa pinakasulok ng kwarto. "Daimos."hindi maiwasang mapahikbi ng batang lalaki bago magtakip ng dalawang tenga ng marinig niya ang tunog ng suot na heels ng ina nagbibigay ng kakaibang tunog sa sahig. "Anak sumama kana sakin...samahan mo si mama."malumanay na sambit ng babae na kinanginig ng kalamnan ng batang lalaki ng makita niya sa harapan ang pulang heels ng ina. "A-Ayoko m-mom n-natatakot ako."umiiyak na sambit ng batang lalaki bago mas sumiksik sa sulok ng kwarto. --- "Anong nangyayari?"tanong ng dalagang si Madison ng makitang nagkakagulo ang mga nurse at doctor na nagtatakbuhan kung saan. "Si Kuya."ani ni Jedal bago tumakbo sa kwarto ng kapatid na sinundan ng iba pang Aragon habang ang mga asawa nito ay nagtatakang nakatingin sa mga nurse na nagtatakbuhan palabas ng ospital. "Harmony anong nangyari?"tanong ni Ivolyn ng---." "Ohmygod!"react ni Denise ng makitang sakal sakal ni Daimos ang kasintahan. "Khairo!"sigaw ni Denise bago tumakbo palapit. "Denise!"sigaw nina Lucky at Ivolyn. "Kuya!"sigaw ni Jedal patutulugin ito ng binata ng bigla itong umikot at walang kaano anong sipain ito papasok ng kwarto. "Putangina mo kuya pag nasaktan asawa ko papatayin kita!"pikon na sambit ni Khairo bago walang kaano anong ibalya ang kapatid ng makita nitong sasaktan ang kasintahan ng sapakin si Daimos ni Denise. "Khairo wag!"pigil ni Trigger ng magdilim ang anyo ng kapatid ng makitang pagbubuhatan nito ng kamay ang kasintahan. "Khairo tama na."pigil ni Denise bago yakapin sa bewang ang binata. "Daimos tangina gumising ka!"bulyaw ni Luther habang pilit nilang pinipigilan ang kapatid ng---. "Putangina!" "s**t!" "Damn."mura ni Killua,Jedal at Luther ng parepareho silang bumangga ng sikmuraan sila ng kapatid. "Kuya!"nabitawan ni Hector ang hawak na prutas ng makitang wala sa sarili ang kapatid. "Hellion!yung mga babae ilayo mo."utos ni Hector sa kakambal bago tumakbo para tulungan ang mga kapatid. "Jeda---." "Im okay Devil lumayo muna kayo dito."kalmadong putol ni Jedal sa kasintahan bago tumayo. "Rumble gusto mo sige pagbibigyan kita."napipikong sambit ni Killua. "Tangina!wala sa sarili si kuya wag niyo ng---s**t!"napamura ang binatang si Hector ng magsimula na ang rumble. "Seven!anong ginagawa mo bakit kumakain ka lang diyan pigilan mo mga kapatid mo!."bulyaw ni Ara sa kasintahan. "Ha?pipigilan ko?"tanong ni Hellion na kinataas ng kilay ng dalaga. "Ow okay."sagot ng binata bago tumayo mula sa kinauupuang sahig. "Ohmygod!"napatakip ng bibig ang dalagang si Harmony ng makitang basag basag na ang mga gamit sa hospital at halos magiba na din ang mga pader sa paligid dahil sa mga Aragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD