3rd Person's POV;
Hanggang sa maya maya---.
"Tama na!"pigil ni Lucky ng mahinto ang laban at nagkatutuka na ng baril.
"Tangina napipikon na ako."madilim ang anyong sambit ni Killua na sinundan nina Trigger at Jedal hanggang s---.
"s**t!"
"f**k!"
"Damn!"parepareho silang napuyuko ng may lumipad na palakol na bumaon sa poste bago magkanya kanya ng takbo ng gumuho yun.
"What the f---."
"Kuya!"sigaw ni Hector ng kuhanin nito ang palakol at---.
"Ohmygod Trigger!"napatakbo ang dalagang si Levi ng makitang papalakulin ni Daimos ang kapatid.
"Levi!"sigaw ni Ivolyn ng makitang niyakap ni Levi ang kasintahan na hindi makatayo dahil sa pagkakaipit ng paa nito sa semento.
"Trigger!"sigaw nina Hector lalapit ito ng---.
"Ate!"sigaw ni Harmony ng malakas nitong sipain ang binatang si Aidan na dahilan para tumama ito sa pader at mabitawan ang hawak nitong palakol na hinagis nito kanikanina lang.
"Gusto mo ng laban?"madilim ang anyong tanong ng dalaga bago kwelyuhan ang binata na--.
"Aidan."bulong ng dalaga ng makitang walang kahit na anong emosyon ang mga mata nito.
"Wala siya sa sarili niya."ani ng dalaga papalag ang binata ng malakas itong sikmuraan ng dalaga na dahilan para mawalan ito ng malay.
"Sinasapian ba yan?"tanong ni Lucky bago lapitan ang asawa na tinutulungan si Trigger na makatayo habang pinapakalma naman ng ibang babae si Levi na takot na takot.
"May ganyang side si Daimos bata pa lang kami ganyan na."sagot ni Hector bago iabot ang kamay ni Jedal para tulungang tumayo.
"Kailangan na nating umalis dito bago pa may mga dumating na pulis."ani ni Killua ng makarinig siya ng mga ingay sa baba.
---
"Lumayo kayo sakin!"takot na takot na sigaw ng batang lalaki ng makitang gumagalaw mag isa ang mga laruan.
"Layo!"sigaw ng batang lalaki habang pilit iniiwasan ang mga laruang gumagalaw palapit sa pwesto niya.
"Daimos."napatakip ng tenga ang bata ng marinig nanaman niya ang boses ng ina at ang tunog ng heels nito na palapit ng palapit sa kinauupuan niya.
"Anak sumama kana sakin."ani ng babae na dahilan para unti unting umangat ang tingin ng bata.
Mula sa suot nitong kulay pulang heels,pulang suot na dress hanggang sa maamong mukha ng babae.
"M-Mom."bulong ng batang lalaki habang tinititigan ang kulay asul na mga mata ng ina.
"Sumama kana sakin."ani ng babae habang nakatingin sa inosenteng mukha ng anak na ngayon ay takot na takot na nakatingin sakanya.
"Please m-mom *sob*ayoko takot na takot ako."umiiyak na sagot ng batang lalaki pero imbis sumagot ang babae tumalikod ito muli.
"M-Mom."bulong ng batang lalaki ng makita ang ina na lumabas ng silid at iniwang bukas ang pinto.
Mula sa kinauupuan nakita niya ang ginagawa ng ina sa kabilang kwarto na katapat lang ng silid niya.
"M-Mom a-anong gagawin mo?"natatakot na tanong ng batang lalaki ng makitang hubarin ng ina ang suot nitong heels at sumampa sa upuan.
"M-mom."bulong ng batang lalaki hanggang sa---.
"Mommy!"sigaw ng batang lalaki tatakbo ito ng bigla na lang itong bumagsak dahil sa mga kadenang nakatali sa maliit na paa ng batang lalaki.
"M-Mommy."