Malawak ang ngiti ni Caren habang inaalala ang naganap sa mga nakaraang araw habang nananatili sila sa Isla Montellano. Mahigit isang buwan na ang mabilis na lumipas buhat ng nangyari ang lahat at marami na ang nagbago mula noon. May nawala, pero may pumalit. May umalis pero nangakong babalik. At naayos na ang lahat sa pagitan nilang tatlo ni Jayvee at Laila. Nagkapatawaran at nagkasundo sila ng dalaga na ngayon ay naging kaibigan na rin niya. She's really kind and beautiful katulad ng sinasabi ni Jayvee sa kanya. And she's also brave lalo na ngayong hinaharap nitong mag-isa ang lahat dahil pansamantalang umalis si Darwin para hanapin nito ang sarili at para paghilumin ang sugat na tinamo nito sa pagkawala ng anak. At alam nilang bukod doon ay may iba pang rason ang binata. Kaya naiinti