"Wala ka na bang ibang lugar na gustong puntahan? Aalis na tayo bukas," wika ni Jayvee na nakakuha ng atensyon ni Caren buhat sa panonood ng tv. Kasalukuyan silang nasa living room at inuubos ang kanilang oras dahil wala silang planong puntahan ng araw na 'yon. Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad ng sinabi nito ay bukas na ang alis nila sa isla. Walang araw na hindi nila sinulit habang nandoon sila pero kahit ganoon ay tila kulang pa rin dahil madami pa siyang lugar na gustong puntahan. Pero wala na silang natitira pang oras dahil mabilis na naubos ang dalawang buwang bakasyon nila doon. Gusto niyang manatili pa sila sa isla pero hindi na pwede dahil one week na lang ay magsisimula na ulit ang klase ni Jayvee. "Madami pa akong gustong puntahan dito sa isla pero wala na tayong oras.