Naunang bumaba si Caren para magluto ng breakfast nila ni Jayvee. Iniwan niya ang binata na hindi tumigil sa panlalandi at pangungulit sa kanya pero ng makahanap siya ng magandang pagkakataon ay nakatakas siya sa kamay ng malanding si Jayvee at wala itong nagawa para habulin siya dahil wala itong saplot sa katawan. Naiwan ito sa loob ng kwarto na isinisigaw ang pangalan niya pero kasunod non ay ang malakas nitong pagtawa. Napakapilyo talaga at napakakulit.. Sinimulan niya agad magluto ng makarating siya sa kitchen. Simpleng breakfast lang ang lulutuin niya at sinimulan niya sa pagpi-prito ng hotdog, itlog, ham, bacon at ang huli ay ang fried rice. Hindi naman maselan sa pagkain ang binata at kahit ano yatang pagkain ang ihain niya sa harap nito ay kakainin iyon ni Jayvee. Basta nakakabuso