Masigla ang bawat galaw ni Caren ng magising siya isang umaga. Bumalik ang saya at sigla sa kanya buhat ng makabalik si Jayvee sa tabi niya. Ibang-iba noong mga araw na wala ito at minsan niyang naisip na sumuko na lang dahil dobleng hirap ang naramdaman niya buhat ng pumunta ang binata sa Isla Montellano. Bukod dahil sa nasanay na siya sa presensya ng binata, hinahanap-hanap din ito ng katawan niya. Ang bawat haplos nito at ang masarap na sensasyong naidudulot ni Jayvee sa kaibuturan niya. At iyon ang hinahanap ng kanyang katawan kapag sinusumpong siya, ang nakakabaliw na epekto sa kanya ng binata. Ilang araw na ang mabilis na lumipas buhat ng makabalik ito galing sa isla. Ilang araw na ang nakakaraan pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang naganap ng araw na iyon. Ang nangyari sa pagi