Nagising si Bree dahil sa mahihinang katok sa pinto ng kaniyang silid. Mabigat pa ang mga mata ni Bree at ayaw niya pa sanang bumangon dahil halos madaling araw na siya nakatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ng dalaga na pagkikitang muli nila ng kapatid nito na si Elmer. “Bree, anak? Gising ka na ba? May naghahanap sa’yo sa ibaba.” Napabalikwas si Bree dahil sa sinabi ni aling Oping. Sino kaya iyong naghahanap sa kaniya? Malakas na tumambol ang puso ng dalaga. Hindi kaya? Ayaw man nitong aminin pero hinihintay ni Bree si Jackson na sumulpot sa inuupahan niya at magpapaliwag. Sabihin nang tanga pero iyon ang inaasam ng puso niya. Nabigo siya kagabi, pero iyong sawing puso niya ay biglang nagkaroon ng pag-asa. “Gising na po ako, aling Oping. Bababa na rin ako, mag-aayos lang mu