Bawat hakbang ni Jackson habang tinatahak nito ang daan patungo sa loob ng mansyon ng mga magulang ay mabibigat. Simula kanina ay hindi pa rin humuhupa ang galit niya para kay Elise at ang inis para sa sariling ina. Noong makapasok sila sa opisina niya kanina ay bimumba siya ng mga tanong ng ina. Tinatanong nito kung ano ang relasyon niya kay Bree at kung ano ang babae sa kaniya. “Nasa gazebo po ann ina n’yo, sir Jackson,” imporma ng isa sa mga katulong sa mansyon. Natagpuan niya doon ang ina at si Elise na masayang nagtatawanan. Kaagad na umasim ang timpla ng mukha ng lalake. He expected to at least talk to his mother in private, but looks like he’s going to do it in front of Elise. Matigas ang ulo ng babae at alam ni Jackson na hindi niya ito basta-basta mapapaalis. “Hijo!