Pagkatapos ng tagpo sa parking lot ay pakiramdam ni Bree na nawalan siya ng gana na bumalik sa trabaho, pero dahil kasama niya si Amy ay napilitan si Bree. Gusto niya sanang umuwi at nahiga sa kama niya. Bukod sa panghihina niya ay katakot-takot na hiya ang nararamdaman niya. Ngayong alam na ng ina ni Jackson at ni Elise ang mga nagaganap ay sigurado si Bree matatanggal siya sa trabaho. Elise will certainly not tolerate her working int the company. Obsessed ang babaeng iyon kay Jackson kaya maghahanap ito ng paraan para maalis siya. Nagbuga na isang mabigat na hininga ang dalaga. Malapit na siya sa inuupahang apartment. Buong araw niya hindi nakita si Jackson. Nagtanong siya kay Chelle pero hindi din nito alam kung nasaan ang lalaki. It was miss Cindy who informed them that Jackso