Gusto sana tawagin ni Bree si Jackson para pagsabihan ito na may nagkalat ng lipstick sa paligid ng bibig nito pero huli na ang lahat, umibis na ang lalake mula sa sasakyan at walang ibang magawa si Bree kung hindi ang pumikit na lamang. Sigurado siyang malalaman ng ina nito kung ano ang nangyayari sa loob ng kotse ni Jax. And to make things worse, Elise was with Jackson’s mother. Kasama din nito ang anak ni Jax na si Amy. Nagdesisyon si Bree na hindi siya lalabas ng kotse. Kung maari lang ay magtatago siya sa loob ng trunk ng kotse pero alam niyang imposibleng mangyari iyon. Jackson slammed the car’s door close. He adjusted his slacks to make his erection not so visible, though he knew it was impossible to do that. “Daddy! You're here!” Amy squealed in pure joy when she saw Ja