Halos mag-iisang linggo na si Bree sa tinatrabahuan. At sa loob ng isang linggo na iyon ay wala naman siyang napapansin na kakaiba sa bagong amo niya maliban sa gusto nitong sa gabi siya magtatrabaho. Hindi na nagreklamo si Bree kahit na pakiradam niya ay delikado ang paglabas niya tuwing gabi. Bakante naman siya sa umaga kaya nagagawa niyang maghanap ng trabaho sa mga oras na iyon. Sa oras na makahanap siya ng trabaho ay aalis din naman siya. Isang linggo na rin siya kinukulit ni Jackson na bumalik sa Diamond Entertainment. Nakak-tempt iyong offer nito na dagdag sa sahod niya. Pero sa oras na tatanggapin niya ang offer nito, alam ni Bree sa sarili na tinanggap niya rin iyon proposition nito noong nakaraan. She had the opportunity to get away from him. But she just can't fully stay