Kanina pa balik-balik si Bree sa pag-check ng kanyang cellphone. It’s been five days since she last saw Jackson. Limang araw na rin niya hinihintay ang tawag or message nito. Pagkatapos ng masasayang sandali na kasama ang lalake at ito ang magiging kabayaran? Nakita naman niya sa news ang tungkol sa pagka-aresto ni Chris na pinsan ni Jackson, naiisip din niya na baka busy lang talaga ang lalake dahil bumalik na ito ngayon bilang CEO ng Diamong Entertainment pero hindi maiwasan ni Bree na makadama kg kaunting tampo sa lalake. Sa limang araw wala ba itong extra kahit isang minuto lang para i-text siya o tawagan? Kinuha ni Bree ang cellphone ang muling ni-check kung may message ba. “Hindi kaya sira na itong cellphone ko?” tanong niya sa sarili. Napanguso na lamang si Bree. Hindi tala

