Hindi alam ni Bree kung ano ang pumasok sa isip niya, pero si Jackson lang ang tanging tao na naisipan niyang puntahan. Hindi siya p’wedeng magpunta sa opisina nito kaya sa condo na lamang siya nito nagpunta. She didn’t expect him to be home right now, or if he was even staying there, but she can only hope. Hindi rin niya alam kung ano ang maari niyang madatnan doon, pero wala na siyang pakialam. She just wanted to have someone to talk to. She was still in shock. Hindi pa rin tanggap ng puso at isip niya na magagawa ni Chelle na pagtaksilan siya ng ganoon. Ngayon lang niya napatunayan na wala na talaga siyang nararamdaman na pagmamahal kay Niel. Mas nasaktan pa siya sa ginawa ni Chelle. Nakatayo lamang si Bree sa harap ng pintuan ng condo unit ni Jackson. Ilang beses niyang pinindot

